^

Punto Mo

Dignidad ng Philippine Marines ang nakataya ngayon

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAUNANG lumutang si Orly Guteza at sinundan pa ng 18 nagpakilalang mga dating personnel ng Philippine Marines ang handa diumanong tumestigo na naghatid sila ng male-maletang pera sa mga kaalyadong kongresista ni Pres. Bongbong Marcos. Delivery boys ng kinulimbat sa bayan?

Ibinulgar na rin naman ng mga opisyales ng DPWH at mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ito sa nakaraang InfraComm investigation ng kongreso. Sila mismo ang nag-aabot ng pera sa mga senador at kongresista.

Nagtatanong ngayon ang taumbayan kung bakit ang mga kontratista at opisyales ng DPWH na nagsumbong ng katiwalian sa kongreso ang nakakulong at ang mga senador na sangkot at nakinabang sa “ghost projects”  ay nakangising gumagala pa. Tsk tsk tsk!

Ang hindi matanggap ng taumbayan ay ang dungis na kumapol sa uniporme ng hinaha­ngaan nating mga Philippine Marines na imbes maging security ng matataas na pinuno ng bansa ay naging “delivery boys” lang sa paghahatid ng ninakaw na pera ng bayan sa mga kongre­sista at tiwaling opisyales ng gobyerno.

Tiyempo sa panahon ng impeachment proceedings ni VP Sara Duterte at kasong hinaharap ni dating Pres. Digong Duterte sa ICC ang paglutang ng 18 marines para ibulgar ang “maleta delivery operations” sa utos diumano ni resigned at fugitive congressman Zaldy Co na noo’y Appropriation Committee Chairman ng kongreso sa panahon ni Speaker Martin Romualdez. Planadong nadispalinghado lang kaya?

Nagtatanong tuloy ang taumbayan kung saan hahantong ang usapin sa trilyones na kinulimbat ng mga senador at congressman samantalang nambubulabog ang mga bagong testigong mga dating miyembro ng Philippine Marines na naging delivery boys ni Zaldy Co.

Pumayag kaya si Philippine Marines Chief  Maj. Gen. Vicente MAP Blanco III na madungisan ng tuluyan ang iginagalang ng marami na uniporne at bandila ng Philippine Marines? Hintayin natin!

PHILIPPINE MARINES CORPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with