‘Salamin’ (Part 12)
“BUKOD sa akin, sino pa ang mga pinagpakitaan ni Lola Elisa?” tanong ni Karina.
“Ayon kay Mama, halos lahat ng mga kaibigan niyang dalaga ay pinagpakitaan ni Lola.”
“Pawang mga dalaga? Bakit?”
“Kasi nga gusto niyang ipabatid sa mga kadalagahan na kung pipili ng mapapangasawa ay katulad ni Lolo Fernan. Para kasi sa kanya, ang pagkakapili niya kay Lolo Fernan ay talagang matalinong desisyon. Sa kabila na ayaw ng kanyang mga magulang kay Lolo, ipinaglaban niya ito. Gusto niyang ipabatid sa mga kadalagahan na kung talagang wagas ang pag-ibig na nadarama sa isang lalaki, ipaglaban ito kahit anong mangyari.”
“Nakakahanga si Lola Elisa. Talagang wagas ang pag-ibig niya kay Lolo Fernan.”
“Oo, Karina. At hindi naman siya nagkamali dahil ipinakita ni Lolo Fernan na karapat-dapat siya sa pag-ibig ni Lola. Mula nang si Lolo Fernan ang namahala sa sugar plantation nina Lola, lumaki ang kita. Sina Lola ang kinilalang may pinakamalawak na taniman ng tubo sa buong Balayan. Mahusay mag-manage si Lolo sa kabila na elementary graduate lang siya.”
“Nakakahanga pala talaga si Lolo.”
“Marami pa akong ikukuwento sa’yo tungkol sa pag-iibigan nina Lola Elisa at Lolo Fernan.” (Itutuloy)
- Latest



















