^

Punto Mo

‘Salamin’ (Part 11)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Ang balak sana ni Lolo Fernan ay isama sa kabaong ni Lola Elisa ang antique na salamin. Pero nagbago ang isip niya. Baka raw pag-interesan ang salamin at sirain ang nitso ni Lola kapag nakalibing na. Kaya nagpasya si Lolo na idespley na lang ang salamin sa may hagdanan.”

“Bakit sa hagdanan inilagay? Bakit hindi sa kuwarto nilang mag-asawa?” tanong ko kay Cristy.

“Sabi raw ni Lolo Fernan, dun sila madalas umupo ni Lola Elisa lalo na kapag lumulubog ang araw. Dun sila nagkukuwentuhan at nagbi­biruan.”

“Mula pagkamatay ni Lola Elisa, dun na nakalagay ang salamin?”

“Oo. Inaalagaan ni Lolo na punasan tuwing umaga. May pagkaka­taon na parang kinakausap ni Lolo ang salamin. Pero sabi ni Mama, si Lola raw ang kausap ni Lolo. Kaya noon pa, talagang nagpapakita na si Lola sa salamin.”

“Kaya ang nakita ko kanina, talagang si Lola Elisa?”

“Oo.”

“Natutuwa siguro sa iyo si Lola, Karina.”

“Napakabait siguro niya ano, Cristy?”

“Super bait.”

(Itutuloy)

SALAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with