Paano magpalaki ng mabait na bata?
1. Ginagaya ng mga bata ang kanilang nakikita. Ang kabaitan ay hindi itinuturo sa pamamagitan ng salita sa halip ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng magandang halimbawa.
2. Ang magagandang salita ay tumutulong magpalago ng mababait na puso. Ang paraan ng iyong pakikipag-usap sa iyong mga anak ang nagiging paraan din ng kanilang pakikipag-usap sa ibang tao.
3. Ang paggalang sa loob ng tahanan ay nagbubunga ng paggalang kahit saan. Kapag nararamdaman ng mga bata na sila ay iginagalang, natututo rin silang gumalang sa ibang tao.
4. Ang kakayahang umunawa sa damdamin ng iba ay lumalago sa pamamagitan ng karanasan. Kapag kinikilala mo ang damdamin ng mga anak mo, natututo rin silang magmalasakit sa damdamin ng iba.
5. Ang pagbibigay ng walang kondisyon sa mga anak ay nagreresulta ng secured adults na may malasakit sa ibang tao.
6. Kapag nakikita ng bata na matiyaga at mahinahon ang magulang sa pagharap sa problema, natututo rin silang maging mahinahon at mapagpasensya sa kanilang pakikitungo sa iba.
7. Ang mga bata na nakikita ang pagiging tapat ng kanilang magulang ay natututo ring maging tapat sa kanilang salita at gawa.
8. Sa konteksto ng bata, kapag pinupuri o pinapahalagahan ang kanilang pagsusumikap, natututo silang maging mabait at may malasakit sa iba, kahit hindi sila palaging nagwawagi.
9. Kapag nakikita ng bata na tumutulong ang magulang sa ibang tao nang walang hinihinging kapalit, natututo rin silang maging mapagbigay at maalalahanin.
10. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay nagpapalakas ng mabuting puso.
- Latest















