^

Punto Mo

‘Salamin’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MULA nang si Lolo Fernan ang maging manedyer ng tubuhan ay lalo pang naging maunlad ito. Mahusay mag-manage ng mga trabahador o sakada si Lolo Fernan. Palibhasa ay dati siyang sakada kaya alam niya ang pinagdadaanang buhay ng mga ito.

Iniangat ni Lolo Fernan ang kalagayan ng buhay ng mga sakada. Binigyan nang maayos ha suweldo. Ang mga walang bahay ay pinagkalooban niya. Nagpagawa siya ng mga bahay sa isang ektaryang lupain na pinangalanan na SAKADA VILLAGE. Naging maayos ang buhay ng mga sakada.

“Teka, Cristy, ano ang kaugnayan ng salamin ni Lola Elisa? Parang lumalayo yata sa istorya, ha-ha-ha!”

“Teka, Karina, huwag kang atat. Darating tayo riyan.”

“Sige, sabik na sabik na kasi ako sa kuwento mo.”

“Nagkaanak sina Lolo at Lola. Dalawa. Isang lalaki at isang babae ni Mama yung babae.

“Nang magselebreyt sina Lolo at Lola ng 25th wedding anniversary, niregaluhan siya ni Lolo ng antique na salamin. Yung salamin na yun ang nakita mo sa mauy hagdanan at sabi mo, nakita mo ang image ni Lola.”

(Itutuloy)

SALAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with