^

Punto Mo

‘Paihi’ sa Batangas, naka-strike 3 na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAKA-Strike 3 na ang kapulisan laban sa economic crime na “paihi” sa Batangas.

Hindi naman maparusahan si Batangas PD Col. Marion Rufo dahil dalawa sa strike ay accomplishments ng mga tauhan n’ya. Sana hindi ito maging dahilan para magpahinga na si Rufo vs “paihi”, no mga kosa? Ang strike 3 ay isinagawa naman ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Robert Morico kung saan nakumpiska ang P4.1 milyon na ebidensiya. EH di wow!

Kaya lang ang tanong ng mga kosa ko, bakit sa Batangas lang ang inaalog ng PNP? May kasagutan kaya rito si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr.”. Kasi nga naman, hayagan naman ang “paihi” operation sa lalawigan ng Quezon, Cavite, at Laguna subalit hindi ginagaya ng mga provincial directors dun si Rufo. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Itong pagsalakay ni Morico sa “paihi” operations na matatagpuan sa Bgy. Aguila, San Jose, Batangas ay kaakibat sa direktiba ni Nartatez na puksain ang mga enomomic crimes, kasama na ang cigarette smuggling, sa Pinas. Arestado ang mga suspects na sina alyas “Roger” at “Juan” habang nagta-transfer ng gasoline at diesel mula sa tanker papunta sa mga containers. Nakumpiska ang isang trailer tanker na naglalaman ng 20,000 litro ng premium gasoline, at diesel na nagkakahalaga ng P4.12-M. Araguyyyyy!

Ang mga raiders ay pinangungunahan nina Lt. Col. Ganaban Ali, ng CIDG RFU4A, at Maj. Maari Pedrozo, ng CIDG Batangas Provincial Field Unit. Abayyyyy, kapag kumilos pala itong mga kapulisan natin ay napupulbos ang mga economic crimes. Depende rin siguro sa kumpas ni Nartatez. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Morico, ang pagsalakay sa “paihi” operation ay alinsunod sa commitment ng CIDG na ipapatupad ang batas, at siguruhin na ang lahat ng lumabag ay lapatan ng kaukulang kaparusahan. Aniya, ang CIDG ay pinoprotektahan ang interes ng publiko at maging ang gobyerno laban sa economic crimes.

Iginiit ni Morico na sa ilalim ng Batas 33, bawal ang pagbenta o distribute ng petroleum products bilang pagkakitaan na walang lisensiya o awtoridad. Ipinaliwanag pa n’ya na sa ilalim ng Presidential Decree 1865, bilang amended BP 33, ito ay kinilalang unfair trade practices at bahagi ng pagtipid ng petroleum products. Eh di wow! Ang sakit sa bangs nito!

Pinuri ni Morico sina Ali at Pedrozo bunga sa kanilang remarkable accomplishment.? “It underscores the commitment of the Unit in implementing all the laws, and ensuring that violators will be held accountable,” ani Morico. Hindi lang ‘yan!

Sinisiguro naman ni Morico ang publiko na ang CIDG at steadfast sa kanilang trabaho sa pagpatupad ng batas, at ang paghabol ng mga economic crimes at iba pang kriminaldad sa buong Pinas. “The?roup urge the public to report to the CIDG all illegal trading and pilferage of petroleum? products in their localities, and the CIDG will do the rest,” ani Morico. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

PAIHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with