^

Punto Mo

Tourist guide sa Egypt, inaresto matapos drowingan ang 4,000-year-old pyramid!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ARESTADO ang isang tour guide sa Egypt matapos mahuling nagdo-drawing ng “stick figure” sa pader ng 4,000-taong gulang na Pyramid of Unas habang nagpapaliwanag sa grupo ng mga turista. Kumalat sa social media ang video ng insidente, kung saan makikita ang lalaki na nakayuko at nagsusulat sa outer casing ng pyramid. Sinubukan pa niyang burahin ito gamit ang kanyang kamay, ngunit nag-iwan pa rin ito ng marka.?

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang Egypt’s Interior Ministry?matapos mag-viral ang video at matukoy ng antiquities inspector ang ?pagkakakilanlan ng guide.?Inamin ng suspek ang kanyang ginawa matapos siyang dakpin ng Saqqara Tourism Police. Agad namang tinanggal ng mga restoration specialists ang graffiti upang maibalik sa dati ang itsura ng bato.Ang Pyramid of Unas ay itinuturing na makasaysayan dahil dito matatagpuan ang pinakaunang Pyramid Texts o mga sinaunang spellspara sa kabilang-buhay.?

Sa ilalim ng mahigpit na batas ng Egypt, ang pagsira o pagsusulat sa mga archaeological sites ay may katapat na parusang pagkakakulong at mabigat na multa.

PYRAMID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with