‘Salamin’ (Part 6)
“HUWAG kang matakot, Karina,” sabi ni Cristy. “Kapag may bagog panauhin dito sa bahay, talagang nagpapakita si Lola Elisa at sa antigong salamin siya nagre-reflect.”
“Talaga, Cristy.”?
“Huwag kang nerbiyusin dahil ganun lang yun. Palabiro kasi si Lola at gustoniyang magpapansin. Pero sa salamin lang siya nag-a-appear liban dun, wala na.”?
“Marami nang naka-experience ng ganun, Cristy?”?
“Oo ang mga pinsan ko kapag nagbabakasyon dito, madalas magpakita si Lola.”?
“Hindi sila natatakot?”?“Noong una natatakot pero nang mga sumunod nabalewala na.”?
“Bakit nagpapakita si Lola Elisa?”
“Walang makapagsabi kung bakit. Pero sabi ni Mama, natutuwa si Lola kapag may bagong bisita sa kanyang bahay. At isa pa, gusto yata ni Lola na ikuwento sa mga bagong bisita ang naging love story nila ni Lolo Fernan.”?
“Ah, gusto niyang ipabatid sa lahat ang pag-iibigan nila ni Lolo Fernan.”?
“Oo. Gusto niyang ipagmalaki, Karina.”?
“Ikuwento mo nga sa akin ang love story nila, Cristy.”?
“Sige, mamaya. Kumain muna tayo ng meryenda. Pagkatapos, magtungo tayo sa tabing dagat.”?
“Sige.”Kumain kami ng masarap na meryenda na inihanda ng mama ni Cristy.Pagkatapos ay namasyal kami sa tabing dagat.?
(Itutuloy)
- Latest
















