^

Punto Mo

EDITORYAL — Sinimulan na ba construction ng evacuation centers?

Pang-masa

NOONG Marso 1, nag-umpisa ang Fire Prevention Month. Kadalasang sa ganitong buwan nagkakaron ng mga sunog. Kapag nagkasunog, ang mga biktima ay pansamantalang dinadala sa covered court ng barangay o sa mga eskuwelahan pampubliko. Dito dinadala ang mga biktima ng sunog dahil walang evacuation centers. Kung may evacuation centers, hindi problema ang sisilungan ng mga biktima.

Kamakailan, nag-alboroto ang Kanlaon Volcano. Nagbuga ng asupre. Halos kasabay niyon, naranasan naman ang pagbaha sa maraming bahagi ng Min­danao. Dahil sa pag-ulan, may mga gumuhong landfill.

Taun-taon, 24 na malalakas na bagyo ang tumatama sa bansa. Hindi malilimutan ang Bagyong Yolanda na tumama sa mga probinsiya sa Visayas noong Nobyembre 2013 na ikinamatay ng 6,000 katao. Halos lahat ng mga bahay ay nawasak. Sa evacuation centers namalagi ang mga tao.

Noong Setyembre 2009, tumama ang Bagyong Ondoy at nalubog sa baha ang Metro Manila. Mara­ming namatay. Maraming bahay ang inanod ng baha.

Marami nang malalakas na lindol ang tumama sa bansa. Isa sa inaasahang tatama sa Metro Manila ay ang “The Big One” na magdudulot nang pagkamatay ng mga tao at pagkasira ng mga gusali at bahay.

Maraming kalamidad ang tumatama sa bansa at sa kabila nito, walang desenteng evacuation centers sa bawat bayan. Kapag binagyo, binaha, nilindol at pumutok ang bulkan, ang mga pampublikong eskuwelahan ang tinutuluyan ng evacuees.

Sama-sama ang mga bata at matanda sa mga eskuwelahan. Nagkakahawahan ng sakit. Walang maayos na comfort room at banyo. Kung saan-saan umihi at dumurumi ang evacuess. Ang matindi pa, pagkatapos gamitin ang mga school na ginawang evacuation centers, sira-sira na ang mga ito. Ang resulta: walang magamit ang mga estudyante at apektado ang kanilang pag-aaral.

Sa 2026 national budget, P3.6 bilyon ang nakalaan para sa construction ng evacuation centers o ang tinatawag na Ligtas Pinoy Centers. Pamamahalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatayo ng mga ito. Dati ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpapatayo ng evacuation centers subalit nang sumingaw ang maanomalyang flood control projects, inalis na ito sa kanila. Posibleng makurakot din ang pondo para sa evacuation centers.

Ang tanong ay kung may nasimulan na bang evacuation centers? Mayroon na bang sisilungan ang mga biktima ng bagyo, baha, lindol, sunog o maski ang mga naiipit sa labanan ng mga sundalo at terorista. Bago sana manalasa ang mga kalamidad, mayroon nang tutuluyang desenteng tirahan ang evacuees.

FIRE PREVENTION MONTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with