^

Punto Mo

‘Salamin’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPASULYAP ako sa antigong salamin nang bumababa na kami sa hagdan.

May nakita akong babae sa repleksiyon ng salamin.

O namalikmata lamang ako?

Hindi ako nagpahalata kay Cristy sa napansin ko sa salamin. Baka kung ano ang isipin.

Nang makababa kami sa hagdan, hindi ako nakatiis.

“Cristy, meron akong sasabihin…”

“Tungkol saan, Karina?”

“Tungkol sa antigong salamin sa may hagdan.”

“Ano ang tungkol dun?”

“May nakita akong image ng babae sa salamin.”

Nagulat si Cristy.

“Anong itsura?”

“Hindi ko gaanong mai-describe pero maganda siya at nakasuot ng baro at saya.”

“Matanda na?”

“Hindi ko masabi kung matanda na dahil malabo ang image.”

“Kung naka-baro at saya—si Lola Elisa lang ang alam kong naka-baro at saya. Walang ibang nagsusuot nun dito.”

“Kung si Lola Elisa yun, ibig mong sabihin, yung nakita ko ay multo?”

Napatango si Cristy.

Gumapang ang kilabot sa katawan ko. (Itutuloy)

MIRROR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with