^

Punto Mo

‘Salamin’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Lumabas kami sa kuwarto at tinungo ang isa pang kuwarto na nasa gawing­ kaliwa.

Sa loob ng kuwarto ay ang mga naka-frame na mga larawan ng lolo at lola ni Cristy. Mga solong kuha ang lola ni Cristy na nakasuot ng kimona at saya. May kuha noong magdaos daw ng 50th wedding anniversary ang kanyang lolo at lola.

“Yan sina Lolo Fernan at Lola Elisa. Kuha yan noong golden wedding anniversary nila.”

“Ang ganda ng lola mo, Cristy.”

“Kamukha rin ni Hilda Koronel?”

Nagtawa ako.

“Maganda nga siya—at mukhang napakabait.”

“Sinabi mo pa—napakabait talaga niya at masayahin.

Lagi siyang nakatawa. Namatay si Lola sa edad na 101.”

“Ang haba ng buhay niya. E si Lolo Fernan?”

“Mas nauna siyang namatay. Months lang after ng kanilang golden annibersary.”

“Mukhang tahimik ang lolo mo.”

“Oo. Walang imik. Parang laging nahahabag sa sarili. Kabaliktaran ng ugali ni Lola.

Kasi nga’y mahirap lang siya at si Lola naman ay mayaman. Trabahador sa tubuhan si Lolo.”

“Sakada?”

“Oo. Nagtatanim, naglilinis at nagtatabas ng tubo.”

“Kaninong sugarcane farm?”

“Kina Lola. Dati malawak ang taniman ng tubo nina Lola pero unti-unting naipagbili.”

“Paano naman nagkaroon ng relasyon ang dalawa?”

“Naku napakahaba at napakasalimuot ng kanilang kuwento. Parang kuwento nga sa komiks o yung telenobela.”

“Nakakakilig?”

“Medyo.”

“Ikuwento mo nga.”

“Halika dun tayo sa bakuran.”

Lumabas kami sa kuwarto. Pagdaan namin sa hagdan, napasulyap ako sa salamin. (Itutuloy)

SALAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with