^

Punto Mo

‘Salamin’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANTIQUE ang salamin. Bilog iyon na may desenyo sa gilid. Madalas akong makakita ng mga ganoong salamin sa napanood kong pelikula na ang tema ay katatakutan.

“Halika, Karina. Dun tayo sa kuwarto na tutulugan natin. Para maiayos mo ang mga damit mo.”

Tinungo namin ang isang kuwarto na ang pinto ay makapal na kahoy na kung hindi ako nagkakamali ay nara. Kulay itim ang pinto.

Malawak ang kuwarto. May dalawang kama.

“Dito tayo matutulog. Ilagay mo na sa cabinet ang iyong mga damit. Magpalit  ka ng bihisan at maya-maya ay magmemeryenda tayo. Nagluluto si Mama ng meryenda.”

“Ang bait at ang ganda ng mama mo Cristy.”

“Kamukha ni Hilda Koronel?”

Nagtawa ako.

“Sino ang mas maganda sa amin?”

“Parehas kayong maganda.”

“Sipsip!”

Nagtawa ako.

Tumayo si Cristy at inayos ang kumot at unan sa dalawang kama.

“Saan mo gusto, Karina? Dito sa kama na ito o dun?”

“Dito na lang, Cristy.”

“Ok.”

Inayos ko ang aking mga damit sa antique na cabinet. Nagbihis ako.

Patuloy si Cristy sa pag-aayos ng mga kama. Dinagdagan ang unan.

Pagkatapos komg magbihis, pinagmasdan ko ang kabuuan ng kuwarto. Talagang sinaunang bahay.

“Sinauna ang bahay na ito, Cristy.”

“Oo. Si Lola Elisa ang may-ari ng bahay na ito. Isa ito sa mga matandang bahay dito sa Balayan. Mas mayaman si Lola kaysa kay Lolo Fernan. Si Lolo ayon kay Mama ay trabahador yata sa tubuhan.”

“Sakada?”

“Oo?akada.”

“Maganda siguro ang love story nila.”

“Oo maganda nga Karina.”

“Parang kuwento sa pelikula o nobela?”

“Oo.”

“May picture ka ng lola at lolo mo?”

“Oo. Halika at ipakikita ko sa’yo.”

Tinungo namin ang isa pang kuwarto.

(Itutuloy)

­

SALAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with