^

Punto Mo

Tips na magliligtas ng iyong buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Nahihirapang huminga: Ipatong ang mga kamay sa ibabaw ng ulo. Kapag nakataas ang mga braso, umaangat ang mga tadyang at mas lumalaki ang espasyo ng baga para makahigop ng hangin.

• Biglaang panick attack: Humawak ng malamig na bagay kagaya ng yelo, metal, cold bottled water. Ang biglang lamig sa balat, lalo na sa mukha o kamay, ay maaaring mag-stimulate sa vagus nerve. Ang vagus nerve ang tumutulong magpabagal ng heart rate at magpakalma ng nervous system. Kaya minsan, bumabagal ang tibok ng puso at mas kumakalma ka.

• Masyadong mabilis ang pagtibok ng puso. Umubo nang malakas ng dalawa hanggang tatlong beses nakakatulong ito na maibalik sa normal ang ritmo ng iyong puso.

• Nahihilo o pakiramdam ay mahihimatay: Humiga agad at itaas ang mga paa nang bahagya (mas mataas sa puso). Nakakatulong ito para bumalik ang dugo sa utak at maiwasan ang tuluyang paghimatay.

• Matinding pagdurugo: Idiin nang diretso ang malinis na tela o damit sa sugat at huwag agad alisin kahit may dugo na. Magdagdag lang ng panibagong tela sa ibabaw. Ang tuluy-tuloy na pressure ang susi para tumigil ang pagdurugo.

• Nabibilaukan (choking) at mag-isa ka lang: Gumamit ng matigas na gilid ng upuan o mesa. Ipatong ang itaas na bahagi ng tiyan (sa ilalim ng dibdib) sa gilid at idiin ang sarili papaloob at pataas. Para itong self-Heimlich maneuver na makakatulong mailabas ang nakabara.

• May sunog at mausok ang paligid: Gumapang. Mas malinaw ang hangin malapit sa sahig kaysa sa itaas na puno ng usok.

BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with