^

Punto Mo

Imbestigasyon sa ­nakawan, amnesia lang ang uuwian?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PAGOD at inis na ang taumbayan sa batuhan ng akusasyon ng nakawan sa kaban ng bayan. Panis at dehadong balita na binibihisan lamang ng karagdagang isyu na tiyak na mauuwi lamang sa limot.

Natatandaan natin na naging usapin ang pang-aabuso at mga nakaw na yaman ng Marcos family kaya nag-aklas ang taumbayan hanggang maluklok si Cory Aquino bilang Presidente noong 1986.

Sinamsam ng gobyerno ang maraming ari-arian ng mga Marcos pero walang malinaw kung anu-ano at saan napunta ang mga ito. May nagsasabing pinag-interesan daw ng malalapit na kapanalig ni Cory at meron din namang naipagbili. Nasaan ang pinagbilhan?

Ang usapin ngayon ay halos trilyones na salapi ng bayan na naubos dahil sa maanomalyang mga proyekto na ang iba ay tuwirang “ghost projects” lamang.

May mga opisyales at engineers mula sa DPWH ang umamin na sila mismo ang naghatid ng bilyones na kickbacks sa mga congressman at senador na malamang ay mauwi na naman sa limot.

May bagong lutang na ex-marines na diumano’y nakapaghatid din ng pera sa bahay ni President BBM sa utos ni resigned Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na nagtatago ngayon sa batas. Posibleng guilty si Co, pero ewan natin kung totoo ang sinasabi ng mga bagong lutang na mga testigo. Hmmm!

Nababaon din sa limot ang kaso ni Cassandra Li Ong na kasabwat ni Harry Roque sa Mabalacat, Pampanga POGO Hub operations na punumpuno ng katarantaduhan kaya tinakasan ng dalawa. Hinahanap ba? Baka naman nasa Laguna lang si Lovely Cassy. He-he!

Mapagtitiwalaan ba ang House of Representatives at Senado sa imbestigasyon ng nakawan? Aba’y malamang na “huli me” pag nagkamali sila ng diskarte. Aray ko po!

AMNESIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with