Paglilitis kina Digong at Sara, amoy pulitika
Isinalang na si dating Pres. Digong Duterte sa imbestigasyon ng ICC sa mga kasong extra judicial killings noong mayor pa ito ng Davao City at maging nang Presidente noong 2016 hanggang 2022 dahil sa war against illegal drugs.
Hindi pa man kumpirmado ang kasong haharapin ni Digong ay hinuhulaan na ng marami na baka hindi na ito aabutin ng paghuhukom dahil sa mabigat na mga karamdamang dinaranas nito.
Ngayon pa lamang ay humahakot na ito ng simpatya mula sa mga kababayan natin na galit din sa illegal drugs at ikinakabit sa presidential ambition ni VP Sara sa 2028.
Ugali na ng mga Pilipino na himayin ang mga mabuting nagawa ng isang taong namayapa noong nabubuhay pa ito at isinasantabi na ang mga nagawang kasalanan nito.
Maraming napatay na druglords, drug pushers at drug addicts dahil sa kampanyang inilunsad ni Digong pero totoo rin naman na maraming karumal-dumal na kasamaan ang idinulot ng droga sa buong bansa.
Hindi nabigla ang taumbayan nang magdeklara si VP Sara na tatakbong Presidente sa 2028 dahil mataas naman talaga ang trust ratings nito sa lahat ng surveys kahit sandamukal na paninira ang gawin ng mga kalaban niya.
Nagkakarambola ang mga grupong kalaban ni Sara para pabagsakin ang popularidad nito pero maliwanag ba hindi sila magkakaisa dahil personal na ambisyon din ang naghahari.
Impeachment na lamang ang pag-asa ng mga kalaban ni Sara. Magtagumpay kaya ang mga kalaban ni Sara?
Naniniguro si Rep. Benny Abante na may sapat na bilang ng kongresista ang pipirma para sa impeachment ni Sara, samantalang bulabog na ang bilang ng mga senador na kak?pi ni Sara. Aber ngaaa!
- Latest















