‘Itim’ (Part 9)
Tumama ang ulo ng dalawang holdaper sa isang malaking punongkahoy. Bulagta ang dalawa. Hindi na nakabangon.
Tumigil naman si Itim sa pagtakbo. Lumingon sa kinaroroonan namin ni Tatay.
Para bang hinihintay kami.
Nagmamadali kaming tinungo ang kinaroroonan ni Itim.
Sumakay kami sa kalesa.
Natagpuan namin sa loob ng kalesa ang lalagyan ng pera. Hindi nagalaw ang perang kinita namin ng araw na iyon.
Nirendahan ni Tatay si Itim. Tumakbo si Itim.
Tinanong ko si Tatay tungkol sa dalawang holdaper.
“Hayaan mo sila. Palagay ko hindi na sila makakabangon dahil humampas ang ulo sa puno. Mabuti nga sa kanila!”
Pinatakbo ni Tatay si Itim. Mabilis.
“Iniligtas tayo ni Itim sa mga hayop na yun. Kung hindi dahil kay Itim, baka binaril na tayo!”
“Oo nga Itay. Iniligtas tayo ni Itim!”
(Itutuloy)
- Latest



















