SOCCSKSARGEN, nililinis ni Ardiente sa economic crimes!
Ayaw pahuli ni PRO12 director Brig. Gen. Arnold Ardiente sa kampanya laban sa smuggled cigarettes at iba’t-ibang anyo pa ng kriminalidad. Sa SOCCSKSARGEN, tuloy lang ang pagpatupad ng batas at walang pakialam si Ardiente kung sinu-sino ang tatamaan. Basta lumabag ka sa batas, swak ka sa kulungan. Mismooooo! Nitong nakaraang linggo, sunud-sunod na operasyon ang isinagawa ng PRO 12 na nagresulta sa pagkakasamsam ng iligal na produkto at pagkakaaresto ng mga wanted na matagal nang iniiwasan ang pananagutan. Dipugaaa! Sa kabuuan, malinaw ang direksyon ng PRO12: sabay na tinutugunan ang economic crimes, illegal drugs, at paghuli sa mga wanted. Patuloy ang operasyon, at ang pagsisikap na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa SOCCSKSARGEN. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Kung sa iba’t ibang lugar ng Pinas ay umiigting ang kampanya laban sa cigarette smuggling sa utos ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. hindi naman nakatayo at nanonood lang si Ardiente. Kumilos din siya. Hindi lang para sundin ang kautusan ni Nartatez kundi upang wasakin ang linya ng cigarette smuggling, upang hindi na sila pamamarisan pa. Kaya sa pinaigting na mobile patrols sa Sultan Kudarat, nakumpiska ng mga tauhan ni Ardiente ang 142 boxes na sigarilyong President, samantalang 98 boxes naman ng may tatak na Aris. Mukhang smuggled nga ang mga sigarilyong ito dahil hindi pamilyar ang mga tatak sa mga naninigarilyong Pinoy, di ba mga kosa? Ang mga nakumpiskang produkto ay nagkakahalagang P10,268,160. Purbidang yawaahhh! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi lang naman cigarette smuggling ang tinututukan sa ngayon ni Nartatez kundi maging ang “paihi” operations na talamak na sa iba’t-ibang bahagi ng Pinas. Nitong nakaraang linggo lang, bilyones ang ismagel na sigarilyo ang nakumpiska sa Batangas, Malabon at sa Pampanga naman ay may ni-raid ding abandonadong pagawaan ng sigarilyo. Umani ng pogi points dito si Interior Secretary Jonvic Remulla dahil sa liderato lang n’ya natutukan itong mga ecnomic crimes na nakaaapekto sa kita, hindi lang ng gobyerno, kundi maging ng lehitimong neghosyo. Teka, teka! Bakit hindi tanungin ni Interiod Secretary Jonvic Remulla si Pampanga Gov. Nanay Lilia Pineda kung bakit namumukadkad ang pagawaan ng sigarilyo sa probinsiya n’ya? Nakalimutan lang? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Hindi lang naman laban sa economic crimes nakatuon ang pansin ni Ardiente kundi maging kontra kriminalidad. Sa magkahiwalay na manhunt operations, apat na Most Wanted Persons ng rehiyon ang nasakote. Ipinapakita nito ang patuloy na pagsisikap ng PRO12 na tugisin ang mga indibidwal na may kinakaharap na mabibigat na kaso at tiyaking maihaharap sila sa korte. Eh di wow!
Sa kampanya kontra droga, tinatayang mahigit ?800,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa serye ng buy-bust at follow-up operations. Sa ilalim ng pamumuno Ardiente, ipinatutupad ang tinatawag na alternative policing approach, na nakatuon sa mas pinaigting na intelligence gathering, koordinasyon sa iba’t ibang yunit, at mas target na operasyon laban sa distribusyon ng iligal na droga. Abangan!
- Latest















