^

Punto Mo

Proyekto sa papel, baha sa kalsada

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BAWAT ulan, pare-pareho ang eksena. Bahang hanggang dibdib. Bahay lubog. Negosyo patay. Tapos may presscon. May Powerpoint. May pangakong “long-term solution”. Ilang dekada na ’yan.

May mga proyektong bilyon ang halaga. May mga drainage na kakagawa lang pero barado na agad. May mga pumping station na hindi umaandar. May mga ilog na nilinis daw pero ‘pag umulan, parang wala namang nangyari.

At sa likod ng lahat ng ’yan, tahimik ang mga pangalan. Tahimik ang mga opisyal. Tahimik ang mga kontratista. Pero hindi naman bulag ang madlang Pinoy. Alam ng masa kung paano ang kalakaran. May mag-a-allocate ng pondo. May mag-aapruba. May mananalo sa bidding. May magkukuwentahan sa likod ng saradong pinto.

Tapos pagdating sa aktuwal na proyekto, manipis ang semento, kulang ang bakal, minadali ang trabaho. Ang resulta? Isang malakas na ulan lang, wasak na agad.

Tapos sino ang kawawa? ’Yung tricycle driver na nalubog ang pasada. ’Yung tindera na inanod ang paninda. ’Yung estudyanteng hindi makapasok dahil baha sa kalsada. Habang ang iba, naka-aircon sa opisina.

Mas masakit pa, ‘pag may naglabasang balita tungkol sa imbestigasyon, parang mabagal ang galaw. Parang laging may hinihintay. Hihintayin pa ba na maipuslit muna ang pera? Na mailipat muna sa kung saan-saan? Na makalipad muna palabas ng bansa?

Pagkatapos saka lang lalakas ang loob na magsampa ng kaso? At kung sakaling may “kakanta,” may usap-usapan pa ng reward. Ilang milyon ba ang kapalit ng impormasyon? Pero ang tanong ng tao bakit kailangang umabot sa ganun? Bakit parang ang sistema, laging huli sa kilos?

Hindi ito kuwento ng isang Pinoy lang. Hindi ito laban ng isang partido lang. Ito ay usapin ng pananagutan. Kapag may proyekto, dapat may malinaw na audit. Dapat may malinaw na pangalan. Dapat may malinaw na sagot kung bakit paulit-ulit ang problema. Hindi sapat ang press release. Hindi sapat ang “imbestigahan natin.” Ang kailangan ng madlang Pinoy ay resulta.

Kung may nagkamali, pangalanan. Kung may nagkulang, panagutin. Kung may nagbulsa, ibalik ang pera ng bayan. Dahil sa bawat bahang bumabalik taun-taon, hindi lang tubig ang umaapaw galit din ng taumbayan. At isang araw, kapag tuluyang napuno ang tao, hindi na lang sa social media aalingawngaw ang sigaw. Mas mahirap pigilan ang baha ng galit kaysa baha ng ulan.

Disklaymer: Ang istoryang ito ay opinyon at panawagan para sa pananagutan at mas maayos na pamamahala. Wala itong tinutukoy na partikular na tao o kaso at hindi ito paratang laban sa sinuman. Layunin lamang nitong hikayatin ang transparency at due process sa mga proyektong pampubliko.

NEGOSYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with