Harinawang magtagumpay ka Ariel Nepomuceno!
DEDIKASYON sa pagbabago ang ipinakikita ngayon ng Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno. Sana naman ay mapahaba ito ni Ariel.
Maraming smuggled at manufactured fake cigarettes at bulto ng illegal drugs ang nadakma na ng mga bata ni Ariel. Wala namang kinita rito ng gobyerno dahil sinusunog lang naman.
Maganda ang koleksiyon ngayon nang maraming collection district at nagiging maganda ang imahe ng BOC dahil dito.
Dagdag koleksyon din ang napagbentahan ng mga kumpiskadong smuggled luxury cars ng mag-asawang Discaya.
Magkaiba ang recovered sa actual apprehensions mga utol. Nakalusot na ‘yan sa bakuran, e ang gustong malaman ng taumbayan ay kung sinu-sino ang mga 15 personnel na kakutsaba na nagpalusot n’yan noon? Name them please!
Naghigpit din noong 1992 si dating BOC Comm. Guillermo Parayno at inilatag nito ang computerization at masaganang training programs local and abroad.
Maging leksiyon sana ang smuggling ng Bigas, gulay, karne at isda dahil sa pinairal na zero tariff sa mga kargamentong magmumula sa mga bansang miyembro ng Asia Pacific Trade Agreement (APEC).
Pitong bansa lamang ang naunang signatories sa APEC—Bangladesh, China, Lao PDR, India, Mongolia, Republic of Korea at Sri Lanka. Ilan dito maaring magparating ng illegal na gamot.
Karamihan ng smuggled rice na dumarating ay galing sa Vietnam, Thailand at Myanmar na hindi miyembro ng APEC pero nagagawang retokehin ng mga smugglers ang mga commercial invoice at certificate of country of export documents. Lusot din dahil sa tara. Kahit itanong n’yo kay Doray!
Walang matibay na barikada para mapigilan ang smuggling kung ang gumagawa nito ay kakutsaba ng mga BOC District Collectors, Assessment Division at Law Enforcement under the Office of the Commissioner na nagbubulag-bulagan na lamang kapag hindi matanggihan ang tumatawag.
Abangan mo na Ariel!
- Latest















