^

Punto Mo

‘Itim’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGHATID ng suwerte sa amin si Itim mula nang alagaan namin. Naging masagana ang aning palay, mais, niyog at pati mga prutas na hindi naman dati namumunga ay naging masagana at hitik na hitik. Ang tanim na lansones ni Tatay na nasa 100 puno ay nagbunga nang napakarami. Nun lang ako nakakita ng punong lansones na ang katawan at sanga ay puro bunga. Halos wala nang dahon na makita dahil sa kumpul-kumpol na mga bunga.

Dahil malaki ang napagbentahan sa palay, mais at maging sa mga prutas, naipaayos namin ang gigiray-giray na bahay. Naging hollow block na ang mga pader at yero ang bubong. Tuluy-tuloy din ang pag-aaral naming magkakapatid. Mayroon pang naitatabing pera sina Tatay at Nanay.

Alagang-alaga namin si Itim. Hindi namin pinababayaan lalo na ang kanyang pagkain.Bumibili pa si Tatay ng pulot mula sa sugarcane at ipinakakain kay Itim. Dahil alaga sa pagkain at iba pang pampalakas, lalong gumanda ang tindig at hitsura ni Itim. Lalong umitim at kumintab ang kanyang balahibo. Lalong kumapal ang kanyang balahibo sa batok at buntot.

Lumipas ang ilan pang taon at nang inaakala na ni Tatay na puwede na itong turuan na humila ng kalesa ay isinalang na niya. At madali itong natuto. Dahil malakas ag makisig, balewala kay Itim ang paghakot ng palay, mais at kopra patungong bayan.

Dahil sa tulong ni Itim, lalo nang naging mabilis ang pagkita namin ng pera dahil nadadala agad ang mga fresh na produkto sa bayan.

Lalo pang napamahal sa amin si Itim dahil sa pagtulong sa amin.

Hindi naman mawala ang pag-aalala ni Tatay dahil baka raw isang araw ay biglang dumating ang tunay na may-ari ng aming alagang si Itim. (Itutuloy)

BLACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with