^

Punto Mo

‘Itim’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

GATAS ng kalabaw ang ipinainom ni Tatay kay Itim. Gustung-gusto ni Itim ang gatas ng kalabaw. Matiyagang pinasususo ni Tatay si Itim gamit ang tsupon. Malakas sumuso si Itim. Halos maubos ang isang litrong gatas araw-araw.

Kaya makalipas lamang ang isang buwan ay bilog na bilog ang katawan ni Itim. Bukod dun, matigas na matigas din ang kanyang kalamnan dahil marahil sa gatas ng kalabaw. Lalong umitim at kumintab ang balahibo.

Habang lumalaki si Itim ay napapansin namin ang pagiging mabait at malambing. Kapag naglalaro kaming magkakapatid sa bakuran ng aming bahay ay sumasali si Itim. Nakikipagha­bulan siya sa amin. Mabilis din siyang turuan. Kapag sinabi namin na lumuhod ay agad na luluhod. Kapag sinabi naming gumulong sa lupa ay gugulong ito.

At ang isang nakatutuwa kay Itim, kapag na­gawa niya ang aming ini­uutos ay inilalabas niya ang kanyang mga ngipin. Magtatawanan kaming magkakapatid kapag ginagawa iyon ni Itim.

Hindi namin tinatalian si Itim kaya malaya siyang nakagagala sa silong ng aming bahay.

Mula rin nang alagaan namin si Itim, naging magaan ang aming buhay. Dumami ang ani namang palay. (Itutuloy)

BLACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with