^

Punto Mo

Itim (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG maiahon ni Tatay ang itim na bisiro, inilagay niya ito sa karmata. Ginaw na ginaw ang bisiro dahil ang hukay ay may tubig. Sa tantiya ni Tatay ay mga ilang araw pa lang na naipapanganak ang bisiro.

Agad na dinala ni Tatay ang bisiro sa bahay. Gulat na gulat kami nang makita ang dala niya na nasa ibabaw ng karmata. Dati kasi ay saging, niyog at gulay ang laman ng kar?ata kapag umuuwi siya galing sa bukid.

“Saan mo na?uha ang bisiro?” tanong ni Nanay.

“Nakita ko sa butas. Nahulog dun.”

“Nasan kaya ang ina ng bisiro?”

“Wala akong nakita sa paligid.”

“Bakit kaya nahulog?”

“Naglalaro siguro habang ang inang kabayo ay patuloy sa paglalakad. Walang kamalay-malay na nahulog ang anak.”

“Sumususo pa yan ano?”

“Oo. Mga ilang araw pa lang naipanganganak yan.”

“Paano yan? Paano mo pasususuhin.”

“Paiinumin ko ng gatas ng kalabaw. Di ba kapapanganak lang ng inahing kalabaw?”

“Puwede ba yun”

“Oo.”

“Sana mabuhay yan,” sabi ni Nanay.

“Itim ang itatawag natin diyan”.

“Oo nga. Itim na itim ang balahibo. Tamang-tama na Itim ang pangalan.”

(Itutuloy)

ITIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with