^

Punto Mo

Pinagpabalik-balik na aplikante

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Apat na beses po akong pinabalik ng kumpanya para sa hiring process, pero sa huli ay hindi rin po nila ako tinanggap. May labor violation po ba iyon? – Jeannie

Dear Jeannie,

Hindi awtomatikong labor violation ang paulit-ulit na pagpapabalik sa aplikante kung ang nangyari ay bahagi lamang ng screening at wala pang nabubuong employer-employee relationship. 

Sa ilalim ng batas, karaniwang nagsisimula ang employer-employee relationship kapag may malinaw nang hiring o employment contract na napagkasunduan, o kapag nagsimula nang magtrabaho ang applicant sa ilalim ng control ng emoloyer at may kapalit na itong sahod.

Kung ikaw ay aplikante pa lamang at wala pang aktuwal na pagtatrabaho o pagbabayad ng sahod, karaniwang hindi pa saklaw ng Labor Code ang iyong sitwasyon.

Gayunman, mahalagang mabanggit ang kasong Aragones v. Alltech Biotechnology Corporation, et al. (G.R. No. 251736, 2 April 2025) kaugnay sa tanong mo. Ayon sa Korte Suprema, kung may job offer na at ito ay tinanggap ng aplikante, umiiral na ang employer-employee relationship kahit hindi pa nagsisimula ang aktuwal na trabaho. Ipinaliwanag ng Korte na ang kontrata ay perfected o buo na kapag may mutual consent, definite object, at lawful cause. Sa kasong iyon, ang pinirmahang job offer ang nagsilbing perfected contract kaya may employment relationship na, at hindi na ito puwedeng basta bawiin o itanggi ng employer.

Kaya sa  sitwasyon mo, kung ang apat na balik mo ay para lamang sa mga karaniwang proseso ng hiring katulad ng interview, exam, medical, background check,  pero wala namang aktuwal na job offer sa iyo na tinanggap mo, wala akong nakikitang basehan ng labor violation dahil wala pa namang employment relationship kayo ng kompanyang pinag a-applyan mo.

Pero kung katulad sa kaso ng Aragones ay may offer letter na ibinigay sa iyo kung saan may nakasaad na posisyon, sahod, start date ng employment  at iba pang employment terms, at pumirma ka o malinaw mong tinanggap ito, at pagkatapos ay biglang binawi ng kumpanya ang job offer bago ka pa magsimula, ay may basehan ka para maghain ng illegal dismissal.

VIOLATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with