Health facts na dapat bigyang pansin
1. Mga 90 percent ng sakit ay iniuugnay sa stress. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin binibigyan ng mga tao ng importansiya ang pahinga.
2. Mas mabilis makamatay ang kawalan ng tulog kaysa gutom. Makakatagal ang isang tao ng 21 days na walang pagkain ngunit 11 days lang ang itatagal ng buhay kapag walang tulog.
3. Karamihan sa mga panlaban ng iyong katawan laban sa sakit ay matatagpuan sa digestive system ngunit ang junk foods ay nagpapahina sa depensang ito.
4. Ang pag-inom ng malamig na tubig habang kumakain ay nagpapahina ng digestion hanggang 30 percent.
5. Ang iyong telepono ay may taglay na bacteria, 10 times ang dami kaysa toilet seat.
6. Ang pag-upo ng 6 na oras araw-araw ay nagpapalaki ng tsansa (30 percent) ng maagang kamatayan.
7. Ang hindi pagkain ng almusal ay nagpapataas ng panganib ng sakit sa puso ng 27 percent.
8. Isa lang sa bawat 10 tao ang nakakakain ng sapat na gulay araw-araw.
9. Ang social isolation ay kasingpanganib ng paninigarilyo ng 15 sigarilyo sa isang araw.
10. Ang paglalakad ng 30 minuto ay nakakababa ng tsansang magkadepresyon ng 30 percent.
11. Ang labis na pag-inom ng matatamis na inumin ay iniuugnay sa mas mataas na panganib ng type 2 diabetes at obesity.
12. Ang regular na pag-inom ng tubig ay nakatutulong sa mas malinaw na pag-iisip at mas maayos na konsentrasyon. Kahit mild dehydration ay maaaring magdulot ng pagkapagod at sakit ng ulo.
13. Ang kakulangan sa sikat ng araw ay maaaring magdulot ng mababang antas ng Vitamin D na mahalaga sa buto at resistensya.
14. Ang pagtawa ay nakababawas ng stress hormones at nakapagpapalakas ng immune system.
15. Ang sobrang paggamit ng earphones sa mataas na volume ay maaaring magdulot ng permanenteng hearing loss.
- Latest















