^

Punto Mo

Bantay (Part 10)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AKINA! Bilis!” sabi ng isa sa mga holdaper sa akin. Ang isa pang holdaper ay look-out at nasa malapit sa kalsada.

Hinubad ko ang aking relo at singsing at binigay sa holdaper.

“Ang  cell phone akina!” sabing mabalasik ng holdaper.

Nang kinukuha ko ang cell phone sa aking handbag, isang lalaki ang biglang sumulpot. Nanggaling sa ilalim ng puno. Biglang hinataw ng hawak na pamalo ang holdaper. Sapol sa mukha ang holdaper na sa lakas ng hampas ay bumulagta sa harapan ko. Hindi na nakakilos.

Nagsisigaw ako.

“Tulongggg! Tulongggg!”

Dahil sa pagsigaw ko, nataranta ang kasamang holdaper at nagtatakbo. Pero may na?a?inig na pala sa sigaw ko kaya hinabol ang holdaper. Nang maabutan ay binugbog.

Maya-maya, dumating ang police car. Dalawang pulis ang bumaba at tinungo ang kinaroroonan ko.

Nakita ang nakahandusay na holdaper.

“Hinoldap po ako Sir. May tumulong po sa akin at pinalo ang nakahandusay na ‘yan.”

“Nasaan ang tumulong sa’yo?”. (Itutuloy)

BANTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with