^

Punto Mo

Penalty dahil nag-resign

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign po ako sa kompanya matapos lang ang tatlong buwan. Sabi po ng employer ko ay kailangan ko raw magbayad ng P50,000 bilang penalty for breach of contract. Wala naman po akong pinirmahang training bond, at probationary employee pa lang po ako. Tama po ba ito? Kailangan ko po ba talagang magbayad? – Ken

Dear Ken,

Kinakailangan mo lamang magbayad para sa sinasabing breach of contract kung may nakasaad sa employment contract mo ukol dito. Kung wala namang malinaw na probisyon sa iyong kontrata ukol sa pagbabayad para sa sinasabi nilang breach of contract, wala akong nakikitang basehan para sa sinasabi nilang penalty at hindi ka dapat obligahin para bayaran ito.

Hindi sapat na dahilan ang simpleng pagre-resign ng isang empleyado para siya ay singilin ng kanyang employer maliban na lamang kung may nakalagay sa kontrata ukol sa mga partikular na sitwasyon kung saan nagbitiw ang empleyado, may employee bond, o kaya’y hindi sumunod sa naaangkop na notice period ang nag-resign na empleyado at may maipakikita ang employer na may aktwal na pinsalang natamo ang negosyo mula sa biglaang pagbibitiw.

Sa madaling sabi, hindi ka obligadong magbayad ng P50,000 kung walang sapat na batayan at hindi malinaw sa iyong kontrata na maari ngang magpataw ang employer ng penalty pagdating sa sitwasyon mo.

Katulad ng lahat ng empleyado, may karapatan kang mag-resign kung nais mo na talagang umalis sa trabaho, at kailangan itong respetuhin ng employer kung hindi naman ito taliwas sa anumang kasunduan ninyo at hindi naman naperwisyo ang negosyo dahil sa pagbibitiw mo.

 

RESIGNATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with