^

Punto Mo

Bantay (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MALAY mo magka-boyfriend ka na kapag nawala na ang inis mo sa mga ‘bantay’ sa convenience store, ha-ha-ha!” sabi ni Mayette habang nasa elevator kami patungo sa fourth floor kung saan naroon ang aming opis.

“Ano namang kaugnayan ng kawalan ko ng boyfriend sa mga ‘bantay’ sa store, hmp!”

“Aba malay mo, wini-wish ng mga ‘bantay’ na huwag kang magkasiyota, ha-ha-ha!”

“Puro ka kalokohan, Mayette.”

“Kaya kung ako sa’yo, maging mabait ka na sa mga ‘bantay’. Wala namang big deal kung mag-aabot ka ng barya. Siguro may papel ang mga ‘bantay’ kaya sila naroon. Lahat daw kasi ng bagay ay may purpose. Hindi basta inilagay lang dun.”

“Pero illegal ang pag-stay ng mga ‘bantay’ sa pinto ng store. Kusa silang tumambay dun at hindi na umalis dahil nga kumikita sila. Nakakita sila ng pagkakitaan na hindi sila magbabanat ng buto. Konting bukas lang ng pinto, pera na. Aba kung ang bawat tao ay magbibigay ng P5, magkano yun kung may puma­sok na 20 tao sa store. Malaki na rin yun di ba?”

“Sige ikaw na ang panalo, Girlie. Hindi na talaga yata maba­bago ang kaisipan mo ukol sa ‘bantay’.

“Hindi na talaga, Mayette.”

(Itutuloy)

BANTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with