^

Punto Mo

‘Bantay’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG tanghali ay niyaya ako ni Mayette na magtungo sa convenience store na nasa tapat ng aming opisina.

“Halika Girle, samahan mo ako?ibili ako ng--- (ibinulong sa akin). Bigla akong nagkaroon.”

“Tinatamad ako Mayette.”

“Halika na. Saglit lang naman. Ilibre kita ng gusto mo?ahit ano?amahan mo lang ako,’’ sabing nakikiusap ni Mayette.

“Sige na nga,” sabi ko at tumayo. Ang totoo kaya ayaw kong sumama kay Mayette ay dahil makikita ko naman ang “bantay” sa store. Ayaw ko talagang makita ang mga “taga-bukas­” at “taga-sara” ng pinto ng store. At pagkatapos ay isasahod ang lata o plastic cup para lalagyan ng barya. Nasisira ang araw ko kapag nakikita ang mga “bantay” na wala na yatang balak bagu?in ang buhay.

Nang dumating kami sa store, nagulat ako nang makitang walang “bantay” sa pinto. Tumingin ako sa paligid at baka naman umalis lang sandali ang “bantay”. Wala.

“Sinong hinahanap mo, Girlie?” tanong ni Mayette.

“Ang ‘bantay’ na taga-bukas at taga-sara ng pinto.”

“Oo nga ano? Wala.”

“Himala ito Mayette.”

“Baka dayoff Girlie, he-he-he!”

Pumasok kami sa store at binili ang dapat bilhin.

Pagkatapos ay lumabas na kami.

Paglabas, naroon na ang “bantay”! (Itutuloy)

BANTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with