Ang alamat ng Mercedes Benz
NOON ay 1897. Mula sa kanyang tahanan sa France, nagpunta si Emil Jellinnek sa Germany para bumili ng sports car na gagamitin niya sa sasalihang karera ng mga kotse.
Ang nabili niya ay Daimler Phoenix mula sa kompanyang Daimler Motoren Gesellscraft or DMG. Pagbalik niya sa France, pinangalanan niya ng “Mercedes” ang kanyang kotse.
Requirement na pangalanan ang kotseng isasali sa kompetisyon. Ang “Mercedes” ay mula sa anak ni Emil na 9 na taong gulang.
Maraming nagandahan sa Daimler Phoenix at tinanong kung saan ito binili. Palibhasa’y utak-negosyante, naisipan ni Emil na mag-franchise sa DMG para siya na lang ang magbebenta ng magandang sports car.
Kasunod noon ay nag-order muli si Emil ng 36 na sasakyan pero humingi siya ng permiso sa may-ari, kay Gottlieb Daimlier, na ang gagamitin niyang trade name ay “Mercedes”.
Pumayag naman ito. Ipinarehistro ni Emil ang trade name na “Mercedes” gamit ang logo na 3-pointed star na dati nang ginagamit sa DMG.
Sa kabilang dako, nakipagsosyo sa DMG si Karl Benz, ang may-ari ng Benz and Company.
Ang logo ng Benz car ay laurel wreath. Nang magsama ang dalawang kompanya, pinagsama na rin nila ang kanilang logo?3-pointed star na may laurel wreath.
Nang pumanaw si Daimler ay mga anak na nito ang namahala ng DMG.
Nang magtagal ay naisip ng mga anak na palitan ang business name na DMG dahil mahina ang dating nito.
Pinagsama nila ang “Mercedes” ni Emil at “Benz” ni Karl. At ang resulta: Mercedes Benz.
- Latest



















