‘Bantay’ (Part 4)
DAHIL pinababayaan na lang ng management ng store ang mga “bantay” na taga-bukas at taga-sara ng pinto, lalong dumami ang mga ito.
Halos lahat na yata ng convenience store na napuntahan ko ay may mga “bantay” sa pinto na nakasahod ang lata ng gatas o kaya’y plastic cup.
Nasusulyapan ko ang laman ng lata na may nagbibigay ng P10, P20 at P50 ay may nagbibigay din ng P5 at P1.
Naisip ko, maraming kinikita ang “bantay” store sa maghapon. Kapag napuno ang lata, maaaring P800 o P1,000 ang kitain niya sa maghapon. Talo pa ang minimum wage earner.
Naisip kong baka ang mga “bantay” sa store ay pinatatakbo ng sindikato. Sa pagkaalam ko ang mga pulubi sa Metro Manila ay hawak daw ng sindikato.
Dahil dun, lalo na akong nakadama ng inis sa mga “bantay” sa store.
Talagang ni singkong duling ay hindi sila makakatikim sa akin.
(Itutuloy)
- Latest















