Bantay (Part 3)
HINDI ako madamot. Kapag may nakikita akong pulubi sa daan na nakasahod ang kamay at namamalimos ay agad akong nagbibigay dahil naaawa ako. Maski ang mga nangungublit na badjao ay binibigyan ko.
Pero sa mga “bantay” na nagbubukas at nagsasara ng pinto ay naiinis ako. Paniwala ko ay nananamantala ang mga “bantay” sa convenience store. Ayaw magpapawis o magbatak ng buto para kumita.
Kaya talagang hindi ako nagbibigay sa mga “bantay” sa convenience store. Hindi nila ako maloloko.
Natuklasan ko na marami palang convenience store ang may mga bantay at tila hinahayaan na lamang ng management ng store.
May nakita akong ama at kasama ang anak na batang lalaki na nagbabantay sa pinto ng convenience store. May hawak na lata ng gatas ang bata para lagayan ng barya.
Dahil umandar ang pagkainis ko sa “bantay”, isinumbong ko sa supervisor ng store ang mag-ama na nagbubukas at nagsasara ng pinto.
“Nakakailang ang nagbubukas at nagsasara ng pinto?indi ba kayo gumagawa ng paraan para mapaalis sila?’’ tanong ko sa bisor.
“Sinabihan na po namin Mam, pero bumabalik pa rin. Mawawala ng isang araw pero nandiyan na uli,’’ sabi ng bisor.
Napailing-iling na lang ako sa sagot ng bisor.
(Itutuloy)
- Latest















