^

Punto Mo

Sigarilyo (Last Part)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKULONG si Rey at makalipas ang ilang buwan ay hinatulan nang habambuhay na pagkabilanggo. Sabi ng kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na si Mel, tama lang na danasin ni Rey ang parusa sapagkat pinagtangkaan akong patayin at ang guard. Isa pa, gumagamit ng illegal drugs si Rey.

“Pero sinusuwerte ka pa rin Bro. Joe dahil nalaman mo ang tangka ng taong yun. Sabi ko sa’yo nun, tatraidurin ka. Tama nga.”

“Oo nga Mel. Salamat sa pagmamalasakit mo.”

“Pero paano mo nalaman, na si Rey ang nag-aabang sa iyo sa dilim?”

“Dahil sa sigarilyo Mel.”

“Anong sigarilyo?”

“Nakita ko ang sindi ng sigarilyo sa dilim. Kinutuban ako na si Rey ang nag-aabang. Nakita ko rin na may hawak siyang matalas na kutsilyo. Agad akong nagtungo sa office at nagsumbong sa guard.

“Hanggang sa pagtangkaan kaming saksakin. Lu?aban ang guard at napabag?ak si Rey.”

Sinabi ko kay Mel na iniligtas ako ng sigarilyo. Kung hindi sa sigarilyo baka nasaksak ako ni Rey.

Kaya nagpapasalamat ako sa sigarilyo.

SIGARILYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with