Palatandaan na malakas ang iyong aura
ANO ang aura? Ang aura ay parang enerhiya o liwanag na sinasabing nakapalibot sa katawan ng isang tao. Sa simpleng salita, ito ay parang “nakikitang damdamin o kalagayan ng loob” ng isang tao na puwedeng maramdaman o minsan lang nakikita ng ibang tao. Halimbawa:
l Kapag masaya at maayos ang pakiramdam ng isang tao, sinasabing may “maliwanag at positibong aura.”
l Kapag stressed, galit, o malungkot, puwede itong maging “madilim o mabigat na aura.”
Kung sobrang malakas ang aura mo, maaari mong mapansin ang mga sumusunod na bagay:
Mabilis ang reaksiyon ng ibang tao sa’yo
Maaaring agad na maakit o matakot ang mga estranghero sa’yo. Bihira ang neutral na reaksyon. O “magaan ka kausap” ka, o “nakaka-pressure ka,” kahit na normal ka lang naman.
Nababago mo ang mood ng isang lugar nang hindi sinasadya
Kapag pumasok ka, nag-iiba ang mga usapan, humihina o nagiging alerto ang mga tao, o biglang nagiging mas mabigat o mas maliwanag ang enerhiya. Kahit online, nararamdaman ang “intense” ng iyong mga mensahe.
Ipino-project ng iba ang kanilang damdamin sa’yo
Sobrang bukas ang mga tao sa iyo: humihingi ng payo, o tinitingnan ka bilang lider/therapist. Sa kabilang banda, maaaring makaramdam ng banta ang mga insecure na tao kahit walang malinaw na dahilan.
Ang malakas na aura ay hindi lamang tungkol sa pagiging “dominant” o “maganda ang dating.” Ito ay tungkol sa kakayahan mong maapektuhan at maramdaman ng iba sa isang natural at hindi sinasadyang pagkakataon. Kung naramdaman mo ang ilan sa mga palatandaang ito, maaaring isa ka sa mga taong may kakaibang presensya, isang tao na hindi lang nakikita, kundi nararamdaman.
- Latest




















