^

Punto Mo

‘Sigarilyo’ (Part 10)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Sumama ako sa guard para puntahan ang nakita kong lalaki na nag-aabang sa akin. Ang guard ay malaking lalaki at ang hula ko ay isang motawa dahil mahaba ang balbas. Mabagsik ang mga motawa.

Pagdating namin sa madilim na lugar itinuro ko ang lalaki. Nilapitan ng guard at kinumpronta ito.

Nagulat ako sapagkat ang lalaki ay walang iba kundi si Rey ang kasamahan kong nagbanta na gagantihan ako.

Sa tingin ko ay lasing si Rey. Nanlilisik ang mata habang nakatingin sa akin.

Biglang inambahan ng saksak ni Rey ang guard. Nakailag ang guard. Ako naman ang pinagbalingan ni Rey para saksakin.

Subalit, mahusay pala sa martial arts ang guard. Sinipa at sinuntok nang malakas si Rey. Bagsak ito.

Nagdatingan na ang mga nakatira sa villa dahil nabulabog sa ingay. Maya-maya, may mga pulis na dumating.

(Itutuloy)

SIGARILYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with