^

Punto Mo

Flocerfida (283)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI agad nakasagot si Kikoy sa suhestiyon ni Dang na umuwi raw siya sa San Pablo at doon muna manirahan para maiwasan si Malou.

“Mahirap ang suhestiyon ko Tito dahil nasanay ka na sa buhay dito sa Manila pero yun lang ang alam kong paraan para makaiwas kay Malou.”

“Kung sa San Pablo ako maninirahan, paano ang balak natin na maging reseller ako ng fruit juice ng kakilala mo?”

“Madali na yun, Tito. Gagawa ako ng dahilan. Isa pa, hindi pa naman final ang usapan namin. Puwede pang iatras.”

“Sabagay.”

“Pero makakaya mo kayang tumira sa barangay namin na patay-sindi ang kuryente.”

“Mapapag-aralan ko, Dang. Madali akong makaangkop sa lugar. Palagay ko, madali akong makaka-adjust dun.”

“So, payag ka nang dun tumira?”

“Oo.”

Pero may pagkabahala pa rin si Kikoy.

“Pero ikaw Dang, kaya mo bang mag-isa rito?”

“Oo Tito—kaya kong mamuhay na nag-iisa.”

(Itutuloy)

KIKOY

MALOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with