Sigarilyo (Part 8)
KINABUKASAN ng gabi, naatrasado ako ng uwi dahil? may kababayan akong kinatagpo sa Batha. Ang Batha ay isang sikat na lugar sa Riyadh na paboritong puntahan ng OFWs. Maraming kainan dito awang Pinoy restaurant na nagsi-serve ng mga masasarap na pagkain nilagang baka, pansit, kare-kare, pandesal, halo-halo at marami pang iba.
Napasarap ang pagkukuwentuhan namin ng kababayan ko kaya hindi ko namalayan na mag-aalas diyes na ng gabi. Nasa isang Pilipino restaurant kami. Ang kababayan ko ang nagbayad ng aming kinain. Malaki ang suweldo ng kababayan ko dahil head nurse siya sa RKHospital.
“Ako ang taya Joe. Ako ang nagyaya sa iyo di ba? At saka ngayon lang tayo nagkita pagkaraan nang mahabang panahon,’’ sabi ng kababayan kong si Lino.
“Sige Lino. Sa sunod nating pagkikita, ako naman ang taya.”
“Okey, Joe.”
Naghiwalay na kami ni Lino. Sa Airport Road daw ang kanilang housing accommodation.
Ako naman ay sumakay ng bus patungong? Naseem.
Pagdating ko sa aming? Villa, bigla akong kinabahan. May naamoy akong usok ng sigarilyo. May tao sa paligid. Malakas ang aking kutob na may nag-aabang sa akin.
(Itutuloy)
- Latest
















