^

Punto Mo

Illegal ore mining sa Misamis, binuwag ng PAOCC at PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NABUWAG ng mga awtoridad ang pag-mining ng mineral ores sa Misamis Oriental matapos salakayin ang kuta nito at inaresto ang dalawang Chinese, 22 Pinoy at nakumpiska ang kagamitan na nagkakahalagang P30.8 milyon.

Nasa aktong nagmimina ang mga suspects nang pasukin ng elemento ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Philippine National Police ang kanilang lugar sa Sitio Bugwak, Bgy. Tingalan, Opol noong Enero 25. Sinabi ni PAOCC Executive Director Usec. Benjamin Acorda Jr. na itong pagmimina ay “very alarming form of economic sabotage.”

“This very particular crime undermines the Philippine economy, bypassing the formal institution, specifically Bangko Sentral ng Pilipinas, and deliberately diverting our national wealth,” ayon kay Acorda. Sa panig naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sinabi n’ya na malaking dagok sa illegal ore mining ang kanilang accomplishment.

“This accomplishment reflects our commitment not only to enforce the law but also to advocate for environmental stewardship. Makakalikasan tayo hindi natin papayagan ang sinuman na sirain ang yaman ng bayan,” ani Nartatez. Eh di wow! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan.

Ayon kay Acorda, ipinarating sa kanyang kaalaman ng mga cause-oriente groups ang illegal mining operations sa area. Mula noong October last year pa nila isinasailalim sa surveillance operations ang lugar, at sinubukang i-raid subalit mukhang natunugan ang mga kilos nila. Subalit nitong Enero 25, kasama ang personnel ng 2nd Misamis Oriental MPFC, at mga intel units ng RID 10 at RMFB, nagtagumpay naman sila.

Hindi na nakaporma ang mga suspects, at wala silang mining permits o mga dokumento para suportahan ang mga kilos nila. Marami pang target na illegal mining ang PAOCC at pinag-aaralan pa nila kung paano buwagin ang mga ito dahil mukhang may kontak din ang mga ito sa mga pulitiko at opisyales ng gobyerno. Dipugaaa! Gets n’yo mga kosa Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Inaresto ang dalawang Chinese na supervisors at caretakers ng mining site. Ang 22 Pinoy naman ay nagsisilbing backhoe at trommel operators, welders, maintenance personnel at laborers. Ang mga nakumpiskang gamit ay tig- dalawang backhoes, dump trucks, trommel units, at generator sets; anin na water pumps, at 30 sakong mineral ores na lahat nagkakahalagang P30.8 milyon.

Ang mga inaresto at kumpiskadong kagamitan ay dinala sa Opol Municipal Police Station for documentation at kalaunan ay nai-transfer sa custody ng Pines and Geosciences Bureau 10 sa DENR Compound sa Puntod, Cagayan de Oro City. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inamin ni Acorda na mainit ang opisina n’ya sa illegal mining dahil sa datos na bumababa na ang mga minerals, lalo na ang gold, na ibinebenta sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

“From 2012 to 2018, only 1.2% of gold produced by small-scale mining was sold to the BSP, an alarming indication that our economic power to capture lawful revenues is being compromised by illegal mining activities,” ayon kay Acorda.

Mapipigilan lamang ang pagwasak ng kalikasan at pagnanakaw ng ating minerals kapag nagsama-samang kumilos ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa environmental crimes, ang dagdag pa ni Acorda. “Wala na pong ibang magmamahal sa ating bayan, kundi tayo-tayo lang. Kaya dapat tayong magtulong-tulongan,” aniya. Abangan!

MINERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with