^

Punto Mo

Puwede bang ipilit ang termination?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney, 

Noong November last year ay sinabihan kami ng management na magsasara na raw ang kumpanyang pinapasukan namin ngayong darating na March. Kamakailan lang, sinabi naman nila na hindi na raw itutuloy ang pagsasara ng kompanya sa March at sa halip ay sa June na lang daw ito magsasara. Regular employee po ako. Maaari po ba naming ipilit na sundin na lang ang unang sinabi sa amin at tapusin na ang employment namin sa March para mabayaran na kami ng separation pay? – Wendy

Dear Wendy,

Hindi po ninyo maaaring ipilit sa employer na tapusin ang inyong employment sa March kung ang kumpanya ay aktuwal naman na magpapatuloy pa ng operasyon hanggang June. Sa ilalim ng Labor Code, ang pagsasara ng negosyo ay isang authorized cause para sa termination, ngunit nagiging epektibo lamang ang termination kapag ang negosyo ay tunay at aktuwal na magsasara, at hindi batay lamang sa naunang plano o pahayag ng management.

Katulad ng desisyon na magsara, kasama rin sa management prerogative ng employer ang pagpapasya na magpatuloy ang operasyon ng kanyang negosyo. Hindi rin maituturing na bad faith ang biglang pag-iiba ng plano kung patuloy namang kayong pinapapasok sa trabaho at pinapasahod ng tama hanggang sa bagong itinakdang petsa ng pagsasara.

Mahalaga ring tandaan na ang verbal notice sa inyo tungkol sa planong pagsasara ng ­kompanya ay hindi katumbas ng legal na notice of termination. Ang batas ay nangangailangan ng written notice sa empleyado at sa DOLE hindi bababa sa 30 araw bago ang effectivity ng closure.

Kaya kapag dumating na ang June at tuluyan nang magsara ang kumpanya, doon lamang masasabi na kayo ay terminated na at saka lamang magiging due at demandable ang inyong separation pay.

Sa madaling sabi, hindi ninyo maaaring pilitin ang mas maagang termination batay sa lamang sa mga naunang verbal announcement. Ang susundin ay ang aktuwal at pormal na petsa ng pagsasara na may kaukulang written notice. Ang separation pay ay babayaran lamang kapag ang negosyo ay tunay nang nagsara at ang inyong employment ay pormal nang tinapos alinsunod sa batas.

TERMINATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with