Sigarilyo
(Part 2)
PERO matindi man ang galit ko sa sigarilyo dahil sa mga nangyari sa akin na may kaugnayan ito, meron din pala akong dapat ipagpasalamat. Hindi pala lahat ay kasamaan ang dulot ng sigarilyo at masasabi kong nagligtas din ng buhay.
Kung paano ay ito ang ikukuwento ko.
Nangyari ang lahat sa Saudi Arabia. Naging OFW ako sa loob ng 10 taon, Nagtrabaho ako sa Riyadh noong 1992 bilang clerk sa isang tanggapan ng gobyerno—Ministry of Defense and Aviation.
Marami kaming Pinoy na nagtatrabaho sa MODA. Hindi kalakihan ang sahod ko subalit para sa akin ay sapat na iyon dahil binata pa ako noon. Sarili ko ang suweldo. Nabibili ko ang nais na bilhin.
Wala akong problema noong una. Pero nang dumating ang bagong recruit na Pinoy din, nagsimula ang problema ko. Masama ang ugali at inggitero ang bagong recruit na Pinoy.
(Itutuloy)
- Latest















