^

Punto Mo

EDITORYAL - Sila pa raw ang nanakawan?

Pang-masa
EDITORYAL - Sila pa raw ang nanakawan?

DAMING na-shock sa sinabi ng contractor na si Curlee Discaya makaraang tanungin ni Sen. Rodante Marcoleta noong Lunes sa hearing ng Blue Ribbon Committee kung magkano ang ipinasasauling pera para mapabilang sa Witness Protection Program.

Sabi ni Discaya: “Hindi ko po masabi kung magkano po kasi para sa akin po, parang kami po ang nanakawan. Parang ibig sabihin, parang modern day na pagnanakaw. Ibig sabihin, ‘yung nakaw ba, siya pa ang magbibigay ng pera dun sa ninakawan niya? Parang ganu’n po.”

Si Curlee ay asawa ni Sarah Discaya na kasalukuyang nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail, Mactan, Cebu dahil sa graft at malversation of public funds kaugnay sa P96.5-bilyong ghost flood control project sa Davao Occidental. Ayon pa kay Discaya, wala raw nabanggit na restitution noong una subalit ito ay napag-usapan nang sumunod na pagpupulong.

Ang mga sinabi ni Discaya ay pinasinungalingan ni Department of Justice (DOJ) Prosecutor General Ri­chard Fadullon. Kasinungalingan, ayon kay Fadullon ang mga sinabi ni Curlee dahil hindi umano sinabihan ang mga ito na agad-agad na magsauli ng pera. Ayon kay Fadullon, kailangang makita muna kung ano ang gusto at kayang sabihin at patunayan ng mag-asawang Discaya sa kanilang mga salaysay. Ayon pa sa Prosecutor General, hindi umano nakikipag-ugnayan sa departamento ang mag-asawang Discaya kaya hindi sila mabigyan ng kaukulang proteksiyon at hindi maproseso ang aplikasyon para sa WPP.

Nanggalaiti si DPWH Sec. Vince Dizon sa sinabi ni Discaya. Sabi ni Dizon: “Makapal din ang mukha nitong si Curlee Discaya. Kitang-kita naming lahat ang ebidensiya laban sa kanila tapos ang lakas pa ng loob magsabi na sila ang nanakawan.” Mariing sinabi ni Dizon na harapin na lamang nito at ng asawang si Sarah ang kanilang kaso. “Isauli nila ang pera ng taumbayan,’’ ani Dizon.

Sa mga sinabi ni Discaya, hindi na nakapagtataka­ kung magkaroon muli ng mga kilos protesta sa kal­sada para hilingin na madaliin ang pag-prosecute sa mga sangkot sa flood control projects. Lalong sisiklab ang poot ng mamamayan sa mga binitawang salita ni Dis­caya na parang sila pa ang nanakawan. Tama si Dizon na makapal ang mukha nito. Lalong magngi­ngitngit ang mamamayan sa nangyari.

CURLEE DISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with