‘Muning’ (Part 6)
BINUKSAN ko ang pinto ng aking kuwarto pero mabilis ko ring sinarado at kinandado dahil nakita kong naghahalungkat na sa salas ang dalawang magnanakaw. Pilit na binubuksan ng isa ang cabinet. Hawak na ng isa ang laptop at ang luma kong cell phone.
Nagsisigaw ako para magising ang mga kapitbahay.
Maya-maya pa narinig ko ang wangwang ng police car.
Kasunod ay ang ingay sa salas. Nabulabog marahil ang dalawang magnanakaw at naghahanap nang matatakasan sa likod ng bahay. Masusukol sila kung sa harapan magdadaan.
Takot na takot ako.
Lalo pa akong natakot nang marinig kong pilit nilang binubuksan ang pinto ng kuwarto ko. Palagay ko naisip nilang i-hostage ako dahil nga masusukol na sila. Pero hindi nila mabuksan ang pinto dahil matibay ang kandado.
Hanggang sa maramdaman kong nakapasok na ang mga pulis sa bahay.
Hanggang sa marinig ko na sumuko na ang dalawang magnanakaw.
Saka lamang ako nakahinga nang maluwag. (Itutuloy)
- Latest
















