^

Punto Mo

Mga sikretong dapat itago

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NARITO ang mga bagay na mas mabuting ilihim sa publiko—para iwas gulo, iwas tsismis, at iwas stress sa buhay:

1. Problema sa pamilya

Hindi lahat ng away o tampuhan sa bahay ay kailangang ipangalandakan. Mas mabuting pag-usapan ito nang pribado kaysa maging ulam ng tsismis.

2. Personal na plano at pangarap

Kapag masyadong maaga mong ibinahagi, puwedeng maudlot o mausog. Hintayin munang magkatotoo bago ipagsabi.

3. Kita, ipon, at utang

Kapag alam ng lahat ang pera mo, asahan ang pangungutang, panghuhusga, o inggit.

4. Problema sa relasyon

Away mag-asawa o mag-jowa. Huwag muna sa social media. Kapag nagbati kayo, naka-save na ang screenshot ng problema.

5. Mabubuting ginawa mo

Ang tunay na kabutihan, tahimik. Kapag ipinagyabang, nawawala ang tunay na saysay nito.

6. Kahinaan at takot mo

Hindi lahat ng tao ay gagamitin ito para intindihin ka—ang iba, gagamitin laban sa’yo.

7. Mga sikreto ng kaibigan

Kung hindi iyo ang kuwento, huwag mong ikuwento.

8. Mga susunod na hakbang sa trabaho o negosyo

May mga taong tahimik na sisira o mangongopya kapag nalaman ang plano mo.

9. Galit at sama ng loob sa init ng emosyon

Kapag nailabas mo na, hindi mo na mababawi ang sinabi mo.

10. Buong detalye ng personal na buhay online

Hindi lahat ng nagla-like ay totoong may malasakit.

Paalala: Hindi lahat ng naririnig ay kailangang sagutin, at hindi lahat ng nararamdaman ay kailangang ipahayag. Minsan, ang katahimikan ang pinakamahusay na proteksiyon.

SECRET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with