‘Muning’ (Part 3)
BAGO ako pumasok sa opis, pinakakain ko muna ang pusang tuxedo na nasa may gate ng bahay. Dalawang plastic tray ang binili ko sa para lalagyan ng pagkain at isa para sa tubig.
Pagdating ko kinagabihan ay ubos na ang pagkain. Ang tubig ay halos hindi nabawasan.
Naroon ang pusa at naghihintay sa akin.
Bago ako matulog, nilalagyan ko uli ng pagkain ang plastic tray.
Pagkatapos ay ikakandado ko na ang gate. Ayaw ko pa ring makapasok ang pusa sa bakuran.
Allergic ako sa amoy ng tae ng pusa.
Mukhang nakikisama ang pusang tuxedo dahil hindi nag-a-attempt na pumasok. Hindi katulad ng iba pang pusa na gumagawa ng paraan para makapasok.
Palagay ko, mas gusto ng tuxedo na magbantay sa gate.
(Itutuloy)
- Latest




















