^

Punto Mo

Sa sariling bayan, tayo pa ang nakapila

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

KUNG walang paliguy-ligoy at ayon sa pulso ng kalsada, sangkatutak na madlang Pinoy ang hindi lang nainis, nasaktan sa desisyon ng gobyerno na gawing visa-free sa loob ng 14 days ang mga Chinese nationals na pupunta sa Philippines my Philippines.

Habang ang karaniwang Pinoy ay nagkakandarapa sa kakarampot na sahod, nagbabawas ng ulam para may baon bukas, at nagdadasal na huwag madamay sa gulo, biglang binuksan ang pinto para sa dayuhan mabilis, magaan, at halos walang paliwanag.

Ika nga, ang dating sa baba “Sa amin ang sakripisyo. Sa iba ang ginhawa.” Hindi ito haka-haka. Ito ang pakiramdam sa araw-araw na usapan ng mga tao.

Sabi nga, “Kami, halos imbestigahin muna bago makaalis ng bansa. Sila, pasok agad?”

Hindi ito inggit. Ito ay tanong nang patas na pagtrato.

Nariyan pa ang alaala ng POGO, ilegal na trabaho, at mga problemang ordinaryong Pinoy ang nagbayad ng presyo.

Kaya ang tanong ngayon “Ano ang nagbago? O inuulit lang ang dati?”

Habang nagsasara ang pinto ng oportunidad para sa marami, may ibang pinagbubuksan ng maluwang. Tahimik ang mensahe.

“Hindi kayo ang inuuna.” “Pagod na pagod na pagtitiis.” Pagod sa salitang “may proseso.”

“Pagod sa may bantay”. Pagod sa katotohanang kapag pumalpak, mahirap ang unang tinatamaan trabaho, renta, seguridad.

Sa mga kanto at terminal, iisa ang tono “Bakit parang sa Pilipino lang mahirap?”

“Bayan ba ‘to o waiting area?”

“Sino ba talaga ang pinagsisilbihan?”

Huwag tayong magkunwari hindi ito simpleng usapin ng turismo.  Ito ay usapin ng tiwala sa pamahalaan at halaga ng pagiging Pilipino.

Kung visa-free ang patakaran, dapat malinaw kung para kanino, hanggang kailan, at paano poprotektahan ang mamamayan.

Hindi sapat ang pangakong “kontrolado.” Kailangang maramdaman ng tao ang proteksiyon, hindi lang marinig sa press release.

Dahil kapag mas madali ang pagpasok ng dayuhan kaysa ang pag-angat ng sariling mamamayan, hindi pagtataka na kumulo ang damdamin.

Hindi ito galit sa lahi.  Ito ay galit ng mamamayang pakiramdam ay bisita na lang sa sariling bayan.

DISKLAYMER:  Ang pahayag na ito ay isang opinyon at panlipunang pagsusuri batay sa damdamin at karanasan ng karaniwang mamamayan. Ang tinutukoy ay patakaran at desisyon ng pamahalaan, hindi ang lahi, nasyonalidad, o pagkatao ng sinumang grupo. Layunin nitong magpahayag ng pananaw, magtanong ng pananagutan, at himukin ang mas malinaw, makatarungan, at makataong pamamahala, alinsunod sa karapatan sa malayang pagpapahayag.

VISA FREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with