^

Punto Mo

Nahaharap sa krisis ang mga tulisan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

SAAN man idako ang usapin hinggil sa mga kongresista at senador, isyu ng pagkakakitaan pa rin ang nagiging hangganan. Mga abogado na lamang daw nila ang gumagawa ng batas at sina cong at sen ay nagpapakadalubhasa sa panunulisan. 

Magmula sa budget hearing, talagang nanunuot na sa isipan ng mamamayan ang magiging “sundot kalikot” ng mga congressman at senador. Sa allocable program of works na tulad ng school buildings, hospitals, road and bridges constructions na pinangangasiwaan ng DPWH. Pinagkukunan ng hindi kukulangin sa 30 percent ng kickbacks ng mga matatakaw na mambabatas.

Samakatuwid, sa nakatayang budget na P1.56 trillion for 2026 infrastructure projects, P460 bilyon ang nanganganib na lamunin pa rin ng mga buwaya Aber nga!

Ito ngayon ang sumisiksik sa isipan ng mga kabataang biktima rin ng katiwalian. Kaya lumalawak ang bilang nila sa kalsada. Saanmang dako na may pampublikong programa, isinisigaw nila ang “mga kurakot ikulong na ‘yan.” 

Naging standard operating procedures na sa bawat proyekto ng gobyerno ang 20-30 percent kickbacks na ibinibigay ng suppliers at contractors sa local government officials.

Sopla naman ang SOP nila sa mga mambabatas na proponents sa DPWH ghost projects na automatic na 35-40 percent ang natatanggap.

Ang natitirang 60 percent ay pinaghahati-hatian ng executives na malamang na may blessings ng Commission on Alligators team. 

Nahaharap ngayon sa krisis ang mga mandurugas na mambabatas dahil bantay sarado sila sa mamamayan ngayon.

Wala pa kasing naipakukulong si Boying Remulla. Baka raw may sasabit na barkada. Di kaya? Hehe!

Hintayin natin ang impeachment proceedings na nakaumang kay VP Sara sa Pebrero. Matuloy kaya? 

PROJECTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with