^

Punto Mo

Lapis (Part 5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG tumatakbo ako nang mabilis ay hawak ko pa rin ang lapis na pinangsaksak ko sa balahibuhing braso.

Siguado ako na malalim ang pagkakabaon ng lapis sa braso dahil naalis ang pagkakaakbay sa akin. Wala naman akong narinig matapos kong saksakin. Wala akong narinig na “aray” o anuman.

Sa bilis ng aking takbo, hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng aming bahay.

Saka ako biglang sumigaw at umiyak nang malakas.

Dahil sa lakas ng sigaw at iyak, naglabasan sa bahay ang aking ama, ina at kapatid.

“Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?” tanong ni Tatay.

“Bakit Maria? Bakit takot na takot ka?” tanong ni Inay.

Hindi ako makapagsalita. Shock ako sa nangyari.

Inalalayan ako nina Tatay at Inay patungo sa bahay.

Napansin ni Tatay ang hawak kong lapis.

“Bakit hawak mo ang lapis?”

Hindi pa rin ako makasagot.   

LAPIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with