^

Punto Mo

Ang oras ng Pinoy sa panahon ngayon

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Iba’t iba ang dahilan kaya may mga Pilipino na ­laging nahuhuli sa kanilang mga lakad, pagpasok sa trabaho o eskuwela­han, appointment, date, tagpuan, pagdalo sa ano mang okasyon o aktibidad at iba pa. May mga Pinoy naman na naghahanda nang maaga para makapunta sa tamang oras sa kanilang destinasyon kaso, sa panahon ngayon, tila napakakumplikadong matupad ito nang ganap dahil sa mga sitwasyon na tulad ng paglaki ng populasyon, masikip na trapiko kahit para sa mga may sari­ling sasakyan, matagal na pila o hintayan sa pagsakay sa mga bus, tren at jeepney o ang kawalan o kakulangan ng sasakyan.

Nariyan din ang matagal na pila at hintayan sa ilang mga opisina ng gobyerno, pribadong tanggapan, banko, ospital at ibang ahensiya o institusyon na nakakaubos ng oras na dahilan para hindi na nila magawa ang iba pang transaksyon o pagpunta sa iba pang destinasyon sa loob ng isang araw. Nitong nagdaang unang pitong araw ng Enero, muling ipinagdiwang ang National Time Consciousness Week sa pangunguna ng Department of Science and Technology o DOST katuwang ang Science and Technology Information Institute (DOST-STII) at ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA).

Tampok muli rito ang negatibong kultura ng Pinoy na laging huli sa oras sa anumang mga lakad o pagpasok sa trabaho o eskuwelahan. Nais ng adbokasya rito, ayon sa DOST na baguhin ang pagkakakilanlan ng mga Filipino at maisa-isip ang Oras Pinas bilang bagong Filipino time––isang simbolo ng pagiging on-time, disiplinado, at may respeto sa oras ng iba. Sa episode ng Radyo Siyensya ng DOST noong Disyembre 27, 2025, sinabi ni Prof. Xiao B. Chua, may dalawang maaaring paliwanag tungkol sa kasaysayan at ebolusyon ng Filipino time–ang pagkahuli bilang ‘status symbol’ noong panahon ng mga Espanyol at bansag ng mga American colonial administrators bilang dahilan kung bakit mga tamad ang mga Filipino.

Noong panahon aniya ng mga Espanyol, naging kaugalian ang pagpapatigil o pagkaantala ng mga palabas tulad ng teatro dahil kailangan pa aniyang hintayin ang pagdating ng mga matataas na opisyal na kadalasang nagpapahuli bilang simbolo ng kanilang posisyon sa lipunan. Binanggit din niya si Jenny Odell na sumulat ng aklat na Saving Time: Discovering a Life Beyond the Clock na nagsabing ang Filipino time ay naging bansag ng mga American colonial administrator dahil nakikita nilang mga tamad ang mga Filipino noong unang panahon.

Pero paliwanag ni Chua, bago ang kolonisasyon, ang mga ninuno ay walang konsepto ng de-oras na relo. “Ang konsepto ng oras para sa mga ninuno natin ay panahon o spatial na nakabatay sa posisyon ng araw tulad ng takipsilim [o] dapithapon at sa mga siklo ng kalikasan gaya ng pag-aani at pag-inog ng buwan,” paliwanag niya. Dahil dito, kaiba ang pananaw ng mga industrialista na naniniwalang “ang oras ay pera,” habang ang mga Pilipino naman ay may mas maluwag na konsepto ng oras, lalo na sa pagdating sa pamamahinga.

Sa kabila ng negatibong bansag, naniniwala si Prof. Chua na ang kultura ay maaaring mabago sa pamamagitan ng tamang impormasyon at kamalayan. Binigyang-diin din niya na hindi lamang ito basta usapin ng pagbabago ng ugali kundi usapin din ng sistema. Ayon naman kay Engr. Mario M. Raymundo ng DOST-PAGASA, nabuo ang Republic Act 10535 o ang Philippine Standard Time Act of 2013 upang itama ang maling kaisipan ng mga Filipino hinggil sa Filipino time, lalo na at marami ang dating hindi sumusunod sa tamang oras.

-oooooo-

Email: [email protected]

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with