‘Lapis’ (Part 3)
Pasado alas otso ng gabi nang umuwi ako galing school. Pagtapat ko sa kawayanan, nanindig ang aking balahibo. Unang pagkakataon na nangyari sa akin sa tagal nang pagdaan sa lugar na iyon.
Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin. Sinikap kong bilisan ang paghakbang pero nagtaka ako sapagkat parang nanigas o pinulikat ako. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon.
Lalo namang dumilim ang kapaligiran. Halos wala na akong makita.
Nang bigla ay may kamay na umakbay sa akin. Balahibuhin ang kamay na halos tumusok sa aking leeg.
Sa pagkabigla, napasigaw ako.
Pero walang lumabas sa aking bibig.
Pilit kong iwinaksi ang balahibuhing kamay pero ayaw maalis sa pagkakaakbay.
(Itutuloy)
- Latest
















