Flocerfida (263)
Kinabukasan, nakahanda na ang resignation letter ni Kikoy. Pinal na ang desisyon niya. Tama si Dang na maari siyang masadlak sa problema kapag hindi nag-resign dahil patuloy na gagambalain ni Malou. Hindi na niya dapat hintayin pang mangyari iyon.
Pagpasok sa trabaho, agad siyang nagtungo sa HR department. Ibinigay ang resignation letter sa HR manager.
Binasa ng manager. Napailing-iling.
“Biglaan yata ang desisyon mo Kikoy?” tanong ng lalaking manager.
“Opo Sir.”
“Hindi na mababago ang pasya mo?”
“Hindi na po Sir. Final na po.”
Kinamayan ng manager si Kikoy.
“Good luck, Kikoy.”
“Salamat po Sir.”
Lumabas na ng HR department si Kikoy at tinungo ang kanyang opisina. Ililigpit na niya ang ilang gamit na naroon.
(Itutuloy)
- Latest



















