Flocerfida (262)
“HINDI maganda ang nararamdaman ko, Tito. Kaya mag-resign ka na sa work mo,’’ sabi ni Dang na nakikiusap.
Sunud-sunod ang buntonghininga ni Kikoy.
Talagang masigasig si Dang sa pagkumbinsi sa kanya.
“Hahatakin ka sa kumunoy ng Malou na iyon. Huwag mo nang hintayin na mangyari iyon.”
Napatango si Kikoy.
Surender na siya. Siguro nga, masama ang napi-feel ni Dang kay Malou. Mabilis makaramdam ang babae lalo sa kapwa babae. Baka nga mapahamak siya.
“Sige Dang. Magbibitiw na ako sa trabaho. Magsa-submit na ako ng resignation letter bukas.”
Kumislap ang mga mata ni Dang.
“Salamat Tito.”
“Baka nga kung ano ang mangyari kung hindi ako aalis sa trabaho. Baka mayroon nang mamagitan na mabigat sa amin ni Malou.”
“Yan ang iniisip ko Tito. Hindi ka titigilan ni Malou hangga’t walang nangyayari sa inyo.”
“Salamat sa payo, Dang.”
(Itutuloy)
- Latest















